ANG PINAGMULAN NG DAIGDIG (SI MALAKAS AT SI MAGANDA)
ANG PINAGMULAN NG DAIGDIG (SI MALAKAS AT SI MAGANDA) Noong unang panahon, walang lupa sa ating daigdig. Ang mayroon lamang ay ang malawak na Karagatan at Langit. Walang humpay naman na naglalagalag sa daigdig ang isang Ibong mandaragit, na tila isang lawin. Isang araw, napagod ang Ibon sa paglipad, ngunit wala siyang matahanang lupa. Kaya, pinagaspas ng Ibon ang kanyang pakpak at umihip ang malaunos na hangin sa Karagatan. Nayanig ang malawak na Karagatan na nagluwal ng daan-daang daluyong na abot-langit. Nagpaulan naman ang Langit ng mga isla upang mapanatag ang Karagatan. Nang pumayapa na ang karagatan, inutusan ng langit ang ibon na manahan sa isang isla at huwag na muli silang gagambalain. Sa panahon ding iyon, ikinasal ang Hanging Amihan sa Hanging Habagat. Ang kanilang pagmamahalan ay nagluwal ng isang anak - ang Kawayan. Isang araw, nagpapaanod ang Kawayan sa isang ilog nang matamaan nito ang paa ng Ibong nagpapahinga sa pampang. Sapagkat naniniwala ang Ibong walang maaaring man...