Mitolohiya

 




Mitolohiya ng Pilipinas








Ang mitolohiya ay isang halos magkakabit-kabit na kumpol ng mga tradisyonal na kuwento o mito (Ingles: myth), mga kwento na binubuo ng isang partikular na relihiyon o paniniwala.  Karaniwang tinatalakay ng mga kwentong mito ang mga diyos at nagbibigay ng mga paliwanag hinggil sa mga likas na kaganapan.  Halimbawa na ang kung paano nagkaroon ng hangin o mga karagatan.  May kaugnayan ang mitolohiya sa alamat at kwentong-bayan.


Ang mitolohiya ay tumutukoy sa isang koleksyon ng mito o mga kwento na nagmumula sa partikular na kultura, lipunan, o relihiyon. Karaniwang kasama sa mga mito ang mga nilalang na may kababalaghan, mga diyos, diyosa, bayani, at mga alamat ng mga nilalang. Ang mitolohiya ay naglalaman ng mga kwentong naglalarawan ng pinagmulan ng mundo, natural na mga pangyayari, at mga kaugalian at paniniwala ng isang lipunan.



Ang mga mito ay kaakibat ng tradisyon ng iba't ibang sibilisasyon sa buong mundo, at karaniwang naglalarawan ng mundo at halaga ng isang komunidad. Ang mga mitolohikal na kwento ay karaniwang ipinapasa sa salita mula sa isang henerasyon patungo sa susunod, at sa paglipas ng panahon, maaari itong isulat.


Mitolohiyang Pilipino


Ang mitolohiya ay sumasaklaw sa iba't ibang tema, tulad ng mito ng paglikha, paglalakbay ng bayani, mga interbensiyon ng mga diyos,diwata at pagsusuri sa mga misteryo ng buhay at kamatayan. Magkakaiba ang mitolohiya ng bawat kultura, tulad ng Griyegong mitolohiya, Norse mitolohiya, Hindu mitolohiya, Ehipto mitolohiya, at marami pang iba.

Ngunit ang Mitolohyang pilipino ay dapat tignan sa pananaw Asyano. Mas malapit ang mitolohiya ng Kapuluan sa mitolohiya ng mga Hindu at mga Buddisto sapagkat noong lumang panahon malaki ang impluwensya ng Hindu-Buddismo sa mga colonia at sa napakaraming barangay bago dumating ang mga kastila.

Ang mitolohiya ng Pilipinas ay kahanga-hanga sapagkat itoy buhay. ito'y kumakalat sa pag pasa pasa sa pamamagitan ng pag salin salin sa pamamagitan ng pagsusugid o pag kukwento (orally transmitted). 

Bukod sa pagsusuri sa natural at supernatural na bahagi ng buhay, ang mitolohiya ay maaaring magamit din upang magbigay ng aral sa moral, kaugalian, at mga asahan ng lipunan. Madalas, ang mga mito ay naglalarawan ng karanasan ng tao, nagbibigay ng kaalaman sa kahulugan ng kahalagahan ng tao, ugnayan, at mga hamon na kinakaharap ng bawat isa.


Mahalaga ang Mitholohiya, sinasagot nito ang  mga tanong at kuro-kuro sa matalinhagang pamamaraan. Ang mitolohiya ay hindi literal ngutin simbolikong  pagsasanaysay ng mga pangyayari, at mga paliwanag.

Narito ang kahalagahan ng Mitolohiya sa:


Sining:

Ang mitolohiya ay nakakatulong sa mga pintor, manlililok at arkitekto para sa ikagaganda at ikauunlad ng kultura na kinapapalooban ng mga tradisyon, kaugalian at paniniwala.


Lipunan:

Sa kuwentong mitolohiya ay nagiging mapanaliksik ang mga tao para sa ikauunlad ng mga gawaing panlipunan.


Pananampalataya:

Sa pamamagitan ng kuwentong mitolohiya ay nabibigyang buhay at lalong umuunlad ang paniniwalang panrelihiyon at nagkakaroon ng pananampalataya sa Diyos.


Kabuhayan:

Dahil sa kaalaman ng tao tungkol sa mitolohiya ay nagkakaroon tayo ng sapat na kakayahan at pagtitiwala sa sarili dahil sa magandang halimbawa na ipinakita ng mga diyos at diyosa kaya’t ang tao ay nagkakaroon ng lakas ng loob sa pakikibaka sa hamon ng buhay.





Comments

Popular posts from this blog

Mga Uri ng Aswang,

Diwata