Diwata

 

Mga Diwata ng Pilipinas



Ang diwata ay ang mga sinaunang diyos at diyosa ng mga ninuno at mga sinaunang Pilipino. Ngunit ng sakupin ng mga Kastila ang kapuluaan ay binago ng mga nila ang pananaw ng mga katutubo at mamayan ng sang kapuluan. Ang ibang mga diwata ay tinuring na demonyo, ang ilan ay tinuring na mang-aakit at engkanto. Mula pagiging diyos o diyosa bumaba ang tingin ng mga tao sakanila dulot ng walang humpay na pagduldol ng kaisipang banyaga sa mga tao ng sangkapuluan.

Sa mitolohiyang Pilipino, ang isang diwata (hango mula sa Sanskrit na devata देवता; [6] encantada sa Kastila) ay isa uri ng diyos o espiritu. Nagkaroon ng mga antas ng kahulugan ang katawagang "diwata" simula noong paglagom nito sa mitolohiya ng pre-kolonyal na mga Pilipino. Tradisyunal na ginagamit ang katawagan sa mga rehiyon ng Kabisayaan, Palawan, at Mindanao, samantalang anito ang ginagamit kapag sinasalarawan ang engkanto sa Luzon. Parehong katawagan ang ginagamit sa Bikol, Marinduque, Romblon, at Mindoro, na pinapahiwatig ang walang pinapanigang lugar para sa dalawang katawagan.

Ang mga diwata ay laging nilalaraw bilang mga magagandang nilalang, mga babae at lalaking diyos ng lumang panahon. Ang ilan sa kanila ay Dayaw o sukdulan ang kagandahan, ang iba ay may napaka puting balat, ang iba naman ay ginintuang kayumanggi. Laging nilalarawan ang mga diwata bilang tuktok ng kagandahan pisikal at symbolo ng mga magagandang asal at kabutihang puso.


Diwata ng kaintaasan



Ang mga diwata ng kaitaasan ay ang mga diwata sa langit o mga sinaunang diwata na tumulong lumalang ng daig-dig. at ang mga diwata na kumakatawan sa mga buwan, araw butuin 

Mga matataas na diwata ng daig-dig, Sila ang mga sinaunang diwata ng kalikasan na kadalasang naninirahan sa kabundukan o bulkan. Mataas na uri ng Diwata na sinasamba noong bago dumating ang mga kastila. Direktang nakikialam sa kabuhayan ng mga mamamayan sa pamamamagitan ng pagbibigay ng masaganang ani, magandang pahanon. Sila rin ang mga diwatang dahillan ng mga sakuna gaya ng unos, daluyong, lindol at baha. kabilang rito ang mga diwata ng digma.

Mataas na diwata ng kabilang mundo. Ang mga diwata ng ibang daig-dig o dimensyon. Kasama dito ang mga diwata ng kamatayan, ang diwatang naghahatid ng kaluluwa mula lupa patungong Sulad o Saad ( Langit o Impyerno) Sila rin ang mga diyos o diwata na kadalasang kinakatakutan.

Mga diwatang Dayao o mga diwata ng Buwan. Ang mga diwata ng Buwan ay mataas na uri ng diwata na pinaniliwalaang pambihira ang kagandahan, madalas isinasasarawan bilang mga magagandang bilag at binata. May mapuputing balat at maitim na buhok, maramihan ng mga kwento tungkol sa mga dayaw ay ang pag baba ng mga ito sa katubigan upang mag tampisaw


Mababang uri ng diwata. ito ang mga pangkaraniwang diwata. ang mga diwatang walang ngalan at mga kaluluwa ng ninuno. Sila ang mga magagandang dilag na may kapangyarihan ng kalikasan. Kadalasang isinasalarawan bilang magandang babae na nakaputi sa kagubatan. Mga mababang uri ng diwata ng mga elemento, halimbawa ang mga mababang diwata ng hangin o Tawong Lipod ng Bikol. Ang mga Tawong lipod ay hindi sinasamba bilang diyos ngunit nirerespeto. Sila ang mga mababang diwata ng hangin. 

Diwatang Ninino, ang mga diwatang ninuno ay ang mga dating tao na naging diwata dahil sa kagitingan at katapangan noong sila ay nabubuhay pa. Isang halimbawa ang kwento ni Datu paiburong. Dahil sa angking katapangan at kagitingan nang siyay mamatay siya ay ginawang diwata o diyos ng mga diwata ng kaitaasan.





Umalagad ay isang uri ng mababang diwata, ito ang kaluluwa ng ninuno na bumalik sa lupa upang gabayan at  tulungan ang mga salinlahi. Nagpapakita bilang magagandang dilag at binata at kadalasang nag aanyong ibat ibang hayop.

pinakamababang uri ng diwata ay ang lambana. kadalasang isinasalarawan bilang maliliit na nilalang na may pakpak ng tutubi o paru paru. sila ang pinaka mababang uri ng diwata at pinakamahina. Sa makabagong panahon ang lambana ay mas kilala kaysa sa mga diwata. 

Ang anito o anitu ay tumutukoy sa mga espiritu ng ninuno, espiritu ng kalikasan, at mga diyos sa katutubong pambayang relihiyon ng Pilipinas bago dumating ang mga Kastila hanggang sa kasalukuyan, bagaman, maaring may ibang kahulugan at ugnayan ang katawagan depende sa pangkat-etnikong Pilipino. Maaring tumukoy din ito sa mga inukit na pigurang mala-tao, ang taotao, na gawa sa kahoy, bato, o garing, na kinakatawan ang mga espiritung ito. Kilala din minsan ang anito (isang katawagan na malawak na ginagamit sa Luzon) bilang diwata sa ilang mga pangkat-etniko (lalo na sa Kabisayaan). Ang Umalagad ay isang mababang uri ng diwata. itoy dating kaluluwa ng ninuno na pumanaw, bumabalik sa lupa upang gabayan ang mga salinlahi.



Pag aanito

Tumutukoy ang pag-anito sa pakikipag-usap sa mga espiritu, na kadalasang sinasamahan ng mga ritwal o pagdiriwang, kung saan umaakto ang isang katalonan (Bisaya: babaylan) bilang isang medyum o tagapamagitan upang makipag-usap ng diretso sa mga espiritu. Kapag partikular na kinakasangkutan ang isang espiritu ng kalikasan o diyos, tinatawag na pagdiwata ang ritwal. Tinatawag din minsan bilang "anito" lamang ang akto ng pagsamba o ang isang sakripisyong pangrehilihyon sa isang espiritu.


Tinutukoy minsan ang paniniwala sa anito bilang anitismo (Kastila: anitismo o aniteria) sa panitikang pang-iskolar. 





Comments

Popular posts from this blog

Mga Uri ng Aswang,

Mitolohiya