ANG PINAGMULAN NG DAIGDIG (SI MALAKAS AT SI MAGANDA)





ANG PINAGMULAN NG DAIGDIG

(SI MALAKAS AT SI MAGANDA)


Noong unang panahon, walang lupa sa ating

daigdig. Ang mayroon lamang ay ang

malawak na Karagatan at Langit. Walang

humpay naman na naglalagalag sa daigdig ang isang Ibong mandaragit, na tila isang

lawin. Isang araw, napagod ang Ibon sa paglipad, ngunit wala siyang matahanang lupa.

Kaya, pinagaspas ng Ibon ang kanyang pakpak at umihip ang malaunos na hangin sa

Karagatan. Nayanig ang malawak na Karagatan na nagluwal ng daan-daang daluyong

na abot-langit. Nagpaulan naman ang Langit ng mga isla upang mapanatag ang

Karagatan. Nang pumayapa na ang karagatan, inutusan ng langit ang ibon na manahan

sa isang isla at huwag na muli silang gagambalain.

Sa panahon ding iyon, ikinasal ang Hanging Amihan sa Hanging Habagat. Ang

kanilang pagmamahalan ay nagluwal ng isang anak - ang Kawayan. Isang araw,

nagpapaanod ang Kawayan sa isang ilog nang matamaan nito ang paa ng Ibong

nagpapahinga sa pampang. Sapagkat naniniwala ang Ibong walang maaaring manakit

sa kanya, tinuka ng Ibon ang Kawayan hanggang sa mabiyak at mahati ito sa dalawa.

Mula sa pagkakahati, iniluwal ang lalaking si Malakas at ang babaeng si Maganda.

Pagkatapos, ipinatawag ng Lindol ang lahat ng mga nilalang ng daigdig upang

mapagpasyahan kung ano ang magiging kapalaran ng lalaki at babae. Sa huli,

nagkasundo ang lahat na mag-iisang dibdib sina Malakas at Maganda. Nagluwal ang

kanilang pagmamahalan ng napakaraming supling.

Lumipas ang panahon at lumaking batugan ang mga anak nina Malakas at Maganda.

Sa sobrang katamaran ng mga anak, hinangad ng mag-asawa na palayasin na ang mga

ito. Kaya lang, hindi nila alam kung saan maaaring manirahan ang mga anak. Umusad

1 Sandaang Salaysay: Ang Pinagmulan ng Daigdig (Si Malakas at Si Maganda)

ang panahon at lumaki pang lubos ang bilang ng mga anak hanggang sa nawalan na ng

kapayapaan sina Malakas at Maganda. Sa sobrang inis, kumuha si Malakas ng isang

patpat at pinaghahampas niya ang lahat ng mga anak.

Nasindak ang kanyang mga anak kaya’t kumaripas ang mga ito sa iba-ibang direksyon -

may nagtago sa mga silid at sa likod ng mga pader ng kanilang bahay, may nagtago sa

may pandayan, ang iba nama’y nagsikalat sa labas ng bahay, habang ang iba’y pumalaot

sa karagatan.

Itong mga nagsikalat na supling nina Malakas at Maganda ay ang ninuno ng iba-ibang

lahi ng daigdig.

Ang mga nagtago sa silid ng bahay ay ang ninuno ng mga Datu ng mga isla; ang mga

nagsitago naman sa likod ng mga pader ay ang ninuno ng mga Alipin; at ang mga

nagsikalat sa labas ng bahay ay ang ninuno ng Malalaya. Ang mga nagsitago sa

pandayan ay ang ninuno ng lahing Maitim, at ang mga pumalaot ay ang ninuno ng

lahing Mapuputi


Comments

Popular posts from this blog

Mga Uri ng Aswang,

Mitolohiya

Diwata