Ang diyos ng ating mga ninuno
Ang diyos ng ating mga ninuno
Ang dakilang diyos ng ating mga ninuno ay nagtataglay ng iba’t-ibang grupo ng iba’t-ibang lugar sa kapuluan.
Ang mga sinaunang diyos at diyosa ay tinatawag na diwata o anito.
Ang diwata ay ang mga sinaunang diyos at diyosa ng mga ninuno at mga sinaunang Pilipino. Ngunit ng sakupin ng mga Kastila ang kapuluaan ay binago ng mga nila ang pananaw ng mga katutubo at mamayan ng sang kapuluan. Ang ibang mga diwata ay tinuring na demonyo, ang ilan ay tinuring na mang-aakit at engkanto. Mula pagiging diyos o diyosa bumaba ang tingin ng mga tao sakanila dulot ng walang humpay na pagduldol ng kaisipang banyaga sa mga tao ng sangkapuluan.
Siya ay tinatawag na Bathala ng mga Tagalog, Laon sa mga Bisaya, Kabunian sa mga Ifugao, Lumawig sa mga Bontoc at Kankanay, Kadaklan sa mga Tinguians, Malayari sa mga Zambal, Maykapal sa Kapampangan, Tuluk Lawin sa matandang Sulod ng Panay, Tagbusan sa Manobo, Mababaya sa Bukidnon, Melu sa Bilaan, Minadean sa Tiruray, Mamanwa sa Negrito ng Surigao at Panulak Manabo sa Bagobo ng Mindanao.
Siya ang dahilan at pinagmulan. Siya ang simula bago ang lahat ay nilalang.
Ang Bathala o Maykapal ng mga ninuno ng Tagalog ay tumitira sa Bundok ng Arayat. Siya ang gumawa ng dagat, langit, lupa, at lahat ng tumutubo sa lupa. Siya ang nagbibigay-buhay at tagapag-ligtas sa buong daigdig.
Isang palasak na kuwento sa Luson, ang nagsabi na wala pang nilikha sa daigdig kundi ang langit, dagat, at isang uwak na lilipad-lipad na naghahanap ng matutungtungan sa lawak ng karagatan. Wala siyang makita kaya siya’y umisip ng paraan at pinaglaban ang dagat at langit. Ininugan at ibinulwak ng dagat sa langit ang kanyang tubig. Bilang pagganti ang langit nama’y naghulog ng mga bato at lupa sa tubig kaya’t napahinto ang alon at nagkaroon ng mga pulo na mapapagpahingahan ng uwak.
Ang mga Ifugao ay naniniwala sa kanilang diyos na tinatawag na Kabunian na ayon sa kanila ay nakatira sa ikalimang pinakamataas na lugar ng daigdig. Ang mga Igorot sa Benguet ay naniniwala naman sa kanilang Apolaki. Ang mga ispiritu ng kadaklan. Ito ay lumalang sa unang mga tao at nagturo sa kanila ng mga gawaing kamay.
Ang mga Bontoc at Kankanay sa Lalawigang Bulubundukin ay naniniwala kay Lumawig na siyang pangunahing Diyos at siyang pinagmulan ng buhay, hari ng kamatayan at lumalang sa lahat ng bagay sa mundo.
Ayon sa mga Bagobong Mindanao, ang Pamulak Manobo ay tumutira sa langit. Nang makita niyang ang daigdig ay walang kalaman-laman siya ay lumalang ng sari-saring bagay upang ipalamuti sa daigdig.
Ang makapangyarihang diyos ng Bukidnon ay si Mababaya na tumitira sa tahanang tulad din ng sa kanyang mga sakop. May kapangyarihan at nasasakop niya ang ibang maliliit na diyos at diyosa.
Sa mitolohiya naman ng mga Tagalog, si Amihan daw at si Habagat ay nag-isang dibdib. Sila ay nakita sa isang biyas na kawayang lulutang-lutang sa dagat. Ito raw ay napadpad sa dalampasigang kinatatambakan ng isang sapi-sapi. Ang biyas ng kawayan ay tinuka ng Ibon at nang mabutas ay nabiyak at dito lumabas ang isang lalaki at isang babae.
Napapaiba naman ang kuwento ng paglikha ng mga Magindanao. Ang diyos na si Sitli Paramisuli bago namatay ay nagtagubilin sa kanyang mga anak na lalaki na ang kanyang suklay ay ibaon sa pinaglibingan sa kanya. Nang maitanim ito sumibol at lumaki ang isang puno ng kawayan. Sa biyas ng kawayan nagmula si Putri- Turina na napangasawa ni Kabanguan at ang kanilang mga anak ay siyang kauna-unahang mga Magindanao.
Ang diwata ay ang mga sinaunang diyos at diyosa ng mga ninuno at mga sinaunang Pilipino.
Ang mga Diwata o Anito ay ang mga sinaunang diyos na sinasamba ng mga ninunong Pilipino
Sa mitolohiyang Pilipino, ang isang diwata (hango mula sa Sanskrit na devata देवता; encantada sa Kastila) ay isa uri ng diyos o espiritu. Nagkaroon ng mga antas ng kahulugan ang katawagang "diwata" simula noong paglagom nito sa mitolohiya ng pre-kolonyal na mga Pilipino. Tradisyunal na ginagamit ang katawagan sa mga rehiyon ng Kabisayaan, Palawan, at Mindanao, samantalang anito ang ginagamit kapag sinasalarawan ang engkanto sa Luzon. Parehong katawagan ang ginagamit sa Bikol, Marinduque, Romblon, at Mindoro, na pinapahiwatig ang walang pinapanigang lugar para sa dalawang katawagan.
Ang anito o anitu ay tumutukoy sa mga espiritu ng ninuno, espiritu ng kalikasan, at mga diyos sa katutubong pambayang relihiyon ng Pilipinas bago dumating ang mga Kastila hanggang sa kasalukuyan, bagaman, maaring may ibang kahulugan at ugnayan ang katawagan depende sa pangkat-etnikong Pilipino. Maaring tumukoy din ito sa mga inukit na pigurang mala-tao, ang taotao, na gawa sa kahoy, bato, o garing, na kinakatawan ang mga espiritung ito. Kilala din minsan ang anito (isang katawagan na malawak na ginagamit sa Luzon) bilang diwata sa ilang mga pangkat-etniko (lalo na sa Kabisayaan).
Comments
Post a Comment