Kwentong Bayan
Kwentong Bayan
Ito ay pagsasalaysay ng mga katutubo sa kanilang paniniwalang lakas ng pisikal na kapaligiran at lakas ng pananampalataya ng lumilimbag sa kanilang buhay at kapalaran.
Ang gawaing paniniwala ay kapangyarihang itinuturing na sagrado at totoong nagaganap sa lipunang kanilang ginagalawan. Ito ay binubuo ng mga salaysay tungkol sa simula at pagkagunaw ng daigdig, ng tao at kanilang kamatayan, ng mga diyos at diyosa, ng mga pisikal na anyo ng lupa at langit at mga katangian ng mga ibon o hayop. Umiikot ang kuwento sa mga tauhang maaaring tao, hayop, mga anito, mga anito, mga bayani o mga diyos na kinikilala nila. Nabibilang dito ang mga pabula, mga kuwentong engkantado, panlilinlang, kapilyuhan, katusuhan, katangahan.
Marami sa kuwento ay naglalahad ng mga seremonyang may kinalaman sa mga pangangailangan ng mga katutubo, mga saloobing tulad ng paglihing ng pagkakaroon ng anak, pagpapagaling sa maysakit, pagkakasundo ng mga magkaaway na tribo, paglilibing ng patay, pagpapasalamat sa masaganang buhay, atbp.
Comments
Post a Comment