Mga Uri ng Aswang,

 




Mga kampon ng dilim, sa lumang mitolohiya ng pilipinas maging sa makabagong panahon kilalang kilala ng mga Pilipino ang aswang. Mga kwentong katatakutan at kababalaghan, kilalanin natin ang ilan sa mga ibat-ibang uri ng Aswang.


Asuang - 
Si Asuang ay isang sinaunang diwata o diyos nang lumang panahon bago sakupin m´ng mga kastila ang Pilipinas Siya ang panginoon ng lahat ng mga halimaw at karaniwang aswang sa Ibalong(Sinaunang Bikol) mula sa mga lumilipad na halimaw hangang sa mga aswang ng dagat. Sinasabi na si Panginoong Asuang ay kaakitakit na lalaki,may mahabang buhok, matangkad at matipuno ang pangangatawan. Ngunit ibinubunyag ng liwanag ng bwan ang tunay nitong anyo na nakakapangilabot na halimaw, may sungay, pangil at paa ng malaking kabing,kagaya sa modermong imahe ng demonyo.

Asuang poon ng karimlan diwata ng kasamaan



Ayon sa alamat si Asuang ay naninirahan sa bulkan ng Malinao sa Bikol. Siya rin ang ama ng maraming kalating halimaw sa Ibalong, pinakakilala sa kanyang mga anak ay si Oryol na kalahating magandang dilag, kalahating higanteng ahas. Si Oryol ay may kapangyarihang mangakit at gawing sunod sunuran ang sinuma (babae,lalaki,binabayi,hayop,halimaw) makakarining ng kanyang malamyos at magandang tinig. Sunod ay ang mabait na si Magindara, na ang kalahati ng katawan ay puntot ng makulay na isda. Ang magandang tinig ni Magindara ay maykakayanang tumawag ulan at bagyo o magpahupa nito.


Aswang na Lakaw - o ang naglalakad na Aswang, wala silang kakayahang lumipad.

Aswang na Layog - mga Aswang na may pakpak at nakakalipad. Ang iba dito ay walang pakpak ngunit may kapangyarihang lumutang at maglakbay sa ere.





Mga Tamaas na Uri ng Aswang 




BANGKILAN

Bangkilan




Bangkilan  - Mataas na uri ng aswang. Mga sinaunang aswang. Pinaniniwalaang sila ay mula sa hanay ng mga Ka-Datuan. Sila ay mataas na uri ng babaeng aswang, nakakahigit sila sa lakas at bangis kaysa sa ibang uri ng aswang. Sa ibang kwento sila ay ang mga babaylan na naging asawa ng diyos ng kasamaan na si Asuang. Sinasabing ang mga bangkilan ay maganda at panganib, pinakamalakas na uri ng aswang kung maituturing. Magagandang dilag na maykakayanang magpatubo ng pakpak ng paniki at matatalim na kuko. Ang mga bangkilan din ay may kakayahang mag palit palit ng anyo gaya ng sa malaking babuy ramo, malaking ibon atbp. Bilang mataas na uri ng aswang, ang bangkilan ay maykakahayang gawing aswang ang tao sa pamamagitan ng paghalik rito, sa pag halik ay isinasalin ng bangkilan ang itim sa itlog (sisiw,ibon,perlas) mula sa kanyang katawan patungo sa taong nais niyang maging aswang.

 depiksyon ng Bangkilan sa media at pelikula 

Sa pelikulang  Aswang (2011) ginampanan ni Lovi Poe ang isang maganda, kaakitakit na aswang-Bangkilan, Sa pelikulang ito siya ay mahalaga sa lipi ng aswang sapagkat siya lamang Bangkilan ng mga Aswang na Abwak (aswang bayawak) ang maykakayanang mabilisang na mag parami ng kanilang lahi.

Aubrey Miles bilang ang huling Aswang at huling Aswang-Bangkilan sa pelikulang Exodus(2005)

Lovi Poe bilang Aswang-Bangkilan ( Aswang movie 2012)


Aubrey Miles bilang Bangkilan sa pelikulang Exodus(2005)



Bangkilan



HARIMODON

Harimondon -  Ang Harmodon o Harimondon Mataas na uri ng aswang, ang lalaki bersyon ng Bangkilan. Ngunit di gaya ng Bangkilan ang mga Harimondon ay di kayang lumipad. Ngunit kaya nilang mag anyong aswang, at kaya rin nilang mag anyong mabangis na babuy ramo. Gaya ng Bangkilan ang Harimodon ay pinaniniwalaang nag mula sa mga sinaunang KaDatuan. Kung kayat ang kanilang dugo ay mas puro at mas malakas. Hindi gaya ng karaniwang aswang na iisa lamang ang itim sa bato o perlas ang Harimodon gaya ng Bangkilan at may kakayanang magluwal ng maraming itim na bato, sa bersyon ng Harimodon sa laway nya ito nilalagay, ang laway at sisidlan ng katas ng aswang upang gawing ganapa na aswang ang isang karaniwang tao.

Harimodon

Harimodon








PINUNONG ASWANG 



Pinunong Aswang
Haring Aswang


PinuNong Asuang -Pinunong  Asuang ,Nunong Asuang pinakamataas na uri ng lalaki aswang. Sa mga modernong kwento sila  ay tinatawag na Haring Aswang. ang mga namumuno sa mga angkan ng aswang. Ama, Apo kung tawagin. Anyong tao, nagaanyong halimaw kung nais. Mas malakas at mas mabangis kaysa sa mga ordinaryong aswang. Sila ang mga aswang na pinanganak ng puro ang dugo, mula sa kaninunuan ay aswang. Maari silang ikumpara sa mga Datu ng lumang panahon. Ang Pinunong aswang ang sinusunod ng mga karaniwang aswang na nabibilang sa kanyang hanay o tribo. 

Depiksyon ng Pinunong Aswang sa palabas at pelikula

Sa palabas sa telibisyon na Juan Dela Cruz (2013) si Albert Martinez ay gumanap bilang pinunong Aswang o Haring Aswang ng liping aswang

Alber Martinez bilang Haring Aswang ( Juan dela cruz 2013)



Sa pelikulang  Aswang (2011) ginampanan ni Bembol Rocco ang papel ng pinunong Aswang ng mga Awok at Abwak (aswang na nagaanyong Bayawak)  na Aswang 

Benbol Rocco bilang Pinuno ng mga Aswang na Abwak (Aswang 2011)



Sa palabas na Aso ni San Roque(2012), Ginampanan ni eddie Garcia ang papel bilang Pinino ng mga Aswang.












MANANAGGAL 


Mananaggal


Mananaggal



Manananggal - Ang manananggal ay isang nilalang na may kakayahang magbago ng anyo tuwing kabilugan ng buwan. Ito ay sinasabing nagpapalit ng anyo kapag sumapit na ang hatinggabi. Ang mga manananggal ay may kakayahang hatiin ang katawan at tinutubuan din ito ng pakpak na parang sa paniki. 

Paborito daw kainin ng mga manananggal ang sanggol sa sinapupunan ng isang babaeng nagdadalang-tao gamit ang kanilang dila na kasing nipis ng karayom at kayang humigop ng dugo. 

Pinakamabangis, pinakakinakatakutan at pinakakilala sa lahat ng uri ng aswang. May iba ring nagsasabi na ang mananaggal ay maysariling lipi at kaiba sa mga aswang. Ang mananagal ay tila ordinaryong tao, ngunit ito ay maykakayahang magpalit anyo. Naglalagay ng langis upang mapabilis ang magpapalit anyo nito. Nahahati ang katawan. Ang itaas na katawan ay tinutubuan ng malalaking pakpak gaya ng sa paniki. Nagiging kakilakilabot ang anyo pagkat putol ang kalahati ng katawan. Matatalim na kuko, at malakas.Kumakaen ng laman loob, umiinom ng dugo ng tao. Tinatawag silang Aswang na Aangal sa sianunang Bikol. Sa mga pampango may uri ng mananggal na kung tawagin ay Magkukutud




Depiksyon ng Manananggal sa Telibisyon at pelikula


Irma Alegree bilang Mananaggal (Shake, Rattle & Roll 1984)




Miguel Rodriquez bilang Mananaggal (Shake, Rattle & Roll IV 1992)



Bing Loyzaga bilang Mananaggal (Darna 1991)


Aiko Melendez bilang Mananaggal (Shake, Rattle & Roll IV 1992)



Mananaggal sa Anime na Blade (TV Mini Series 2011)





MGA MABABANG URI NG ASWANG



KARANIWANG ASWANG

ASWANG

karaniwang Aswang



Karaniwang Aswang -  Ang karaniwang Aswang o Aswang Uri ng aswang na may anyo at wangis tao, ang kaibahan ay sila ay kumakaen ng laman loob at umiinum ng dugo ng tao, mahina sila kapag umaga, Ngunit pag sumapit ang dilim sila ay nagiging mabalasik. Makikilala lamang sila kapag tinignan sila sa mata at ang repleksyon mo ay baliktad. Pinapasa o pinapamana ang itim na bato mula sa bibig ng kaanak upang lumukin ng taong may dugong aswang upang itoy maging ganap na aswang. Tinatawag silang aswang na Layog sa lumang Ibalong. 


Sa modernong panahon at mga kwento sila ang pinakilala ng mga aswang sa kwento at kuro-kuro. Sa mga pelikula sila rin ang madalas ipakita at itampok.
Walang kakayanan ang karaniwang Aswang na gawing aswang ang ordinaryong tao, tanging mga tao lamang na may dugong aswang ang kaya nitong baguhin, sapamamagitan ng pagsalin ng bato (perlas) na itim na iluluwal ng aswang. Kapag pinasa ng Aswang ang batong itim itoy mamatay, kung kaya itoy pinamamana lamang sa kamag anak. Salin lahi.


depiksyon ng Aswang or karaniwang aswang sa palabas at pelikula


Nonie Buencamino bilang Sael  karaniwang Aswang(Shake, Rattle & Roll 2k5 2005)

 karaniwang Aswang(Shake, Rattle & Roll 2k5 2005)




Karaniwang Aswang






















MANDURUGO



 
Mandurugo




Mandurugo - Ang madurugo ay isang uri ng Aswang sila ay magagandang dalaga kapag umaga at kung gabi ay may kakayanang mag bago ng anyo upang maging ibong madaragit na may mukha ng magandang dalaga. Sila ay mga dating Kinnari, pinaniniwalaang ang mga Kinari ay mga mga nilalang na may dugong diwata at kalahating tao, magagandang nilalang na may pakpak ng ibon sa likuran, kapag ang kinarri ay umibig sa tao, ito ay magsisilbi at magmamahal ng tapat sa tao, ngunit kapag ang pag ibig ng tao ay hindi dalisay ang kinnari ay magiging aswang na kung tawagin ay mandurugo. 

Depiksyon ng Mandurugo sa telibisyon at Pelikula

Sa anime na Blade ang mga Mandurugo ay tinampok

 Mandurugo sa Anime na Blade (TV Mini Series 2011)




MANGALO






Mangalyo - Mangalo Mga sinaunang nilalang na maliliit,Uri ng duwende na umiinum ng dugo ng tao at kumakain ng laman loob. Mag uri ng duwende na kumakaen ng laman loob ng tao. Ngunit sa mga kwento mas nais nilang kumain ng hayop.


Sa mga kwentong Bisaya Pinaniniwalaang nagbago sila at hindi na kumain ng tao nang ipinanganak ang diwata na si Burgadang Pada. Ang mga Mangalo o mangalyo ay mga duwende na mabangis at maraming ginto. Ngunit ng iluwa ng lupa ang diwatang si Burgadang pada, ang mga magalyo ang nagsilbing taga pangalaga at amain ng diwata. Nagbago ng gawi ang mga Mangalyo at hindi na kumain ng tao kundi hayop nalamang.











TIYANAK 





Tiyanak - mga mukhang musmos ngunit mga halimaw ng dilim
Ang tiyanak ay halimaw na gumagaya sa anyo ng isang bata o sanggol. Karaniwang nitong magpapanggap ito bilang isang bagong silang na sanggol upang magpain ng biktima. Umiiyak ito ng malakas upang mahikayat ang mga walang kamalay-malay na mga manlalakbay.
Kapag dinampot ng isang biktima, nagbabalik ito sa tunay na kaanyuhan at aatakihin ang biktima. Sa ilang kuwento, sinasabi na kapag pinasuso ito, uubusin ng tiyanak ang lahat ng dugo sa loob ng katawan ng nanay.




WAK-WAK


Wak-wak

wak-wak


Wak-wak

Wak-wak - Mga aswang na may matatalas na kuko at may pakpak ng itim na ibon o paniki, ang iba sakanila ay anyong itim na ibon. Mabilis sa paglipad at matalas ang mga kuko para sa pag dukot ng laman loob ng kanilang biktima, hayop man o tao.

Wak-wak (ibong wak-wak)  Ibong kumakain ng laman ng tao, kapag umuwak ng malakas ibigsabihin ay malayo, kapag umuwak ng mahina ubig sabihin ay malapit


Depiksyon ng Wak-wak sa telibisyon at pelikula

Gumanap bilang Wak-wak si Ryan Eigenmann sa palabas Da Adventures of Pedro Penduko (2006)

 Ryan Eigenmann sa palabas Da Adventures of Pedro Penduko (2006)



Ek-Ek


Ek-ek -

DANGGA

DANGGA o AGITOT - Uri ng aswang na angyong lalaki, nangaakit ng mga dalaga. Gumagahasa at kumakain ng laman ng mga dalaga.

BALBAL

Balbal -  Ang nilalang na ito ay pinaniniwalaang kadalasang kumakain ng karne ng patay na tao. Ang Balbal ay pinaniniwalaang nagnanakaw ng patay na tao sa isang burol o kaya'y pagkalibing nito. Kung nanakawin ng "Balbal" ang isang patay, pinapalitan niya ito kadalasan ng puno ng saging. Ang puno ng saging ay pinaniniwalaang nagmimistulang tunay na katawan ng patay sa mga mata ng tao ngunit puno ng saging lamang ito.

Iritong - mga sinaunang  Aswang na mahaba ang buntot at matalim na kuko, nakatira sa kagutaban.


BAGONG YANGGAW

BAG-ONG YANGGAW - Mga aswang na bago palamang sa pagiging aswang. Kakasalin palang sakanila ng mga itim na bato (perlas) o sisiw (ibon)

EBWA

Ebwa



Ebwa - Malakas at malaking aswang na tila malaking unggoy or gorilya. Mas pinipili ng Ebwa kumain ng bangkay ng tao kaysa sa sariwang laman.



AMALANHIG


AMALANHIG - Mga sinaunang Aswang, mukhang tao nakayang magpalit anyo bilang halimaw na may pangil. Naninirahan sa kagubata. Ang Amalanhig isang uri ng patay na aswang. Sumisip-sip ng dugo. Aswang o Amalanhig na namatay ngunit hindi naisalin ang itim na bato bago ito namatay. Naghahanap opa rin ng dugo ang bangay ng amalanhig. Hnidi kayang tumawid sa tubig ng mga amalanhig.



ALAN

Alan -Aswang



Alan - Mga aswang na kahidighindik ang itsura. May mga katangian ng ibon. Masmabilis ang alan kapag sila ay tumatakbo ng patalikod. 



Numputol




TIKTIK






Tik-tik





Tik-Tik - Uri ng aswang na humahaba ang dila. Mabilis at maliksi kumilos mataas tumalon, magaling umakyat ng puno at ibapang gusali. Paborito nilang biktimahin ang mga buntis. Ang ibang tik-tik ay ordinaryong tao sa umaga, nag aanyong aswang o tik-tik pagkagat ng dilim. Babae man o lalaki pag nagpapalit anyo may masmagiging balingkinitan ang katawan ngunit mas lumalakas sila. nagiging mas balingkinitan ang kanilang katawan upang mas mabilis kumilos at mas tumaas ang pagtalon. Malakas at humahaba ng dila upang sumipsip ng dugo o ng bata sa sinapupunan.

Tik-tik ibon -Uri ng Tik-tik na anyong ibon.  

Tik-tik

Tik-tik

Tik-tik


Depiksyon ng Tik-tik sa palabas at pelikula 


Ang pangunahing uri ng aswang sa pelikulang   Tiktik: The Aswang Chronicles (2012)



 
Anyong tao ng mga Tiktik (Tiktik: The Aswang Chronicles (2012))











ASWANG BABUY


Aswang babuy - Aswang na nag aanyong malaking itim na babuy







Motog - Aswang na babuy ramo

AWUK - Aswang na nagaanyong itim na babuy 


Mambababuy - Aswang na baboy 



ASWANG-ASO 

Mga mababang uri o ordinaryong Aswang na may kakayahang magpalit anyo bilang mga mabangis na aso. Kabilang dito ang Asbo at Awok.


IWIG - Aswang na nag aanyong mabangis na aso

ASBO- Mabangis na uri ng aswang, mabilis tumakbo sa apat na paa. Mga aswang na naganyong malaking aso,o asung ulol. 


AWOK - Uri ng aswang na nagkakatawang Aso


ABWAK



Abwak - Mga aswang na nagaanyong bayawak. Kumakaen ng laman loob. Naghuhukay sa ilalim ng lupa Sinasabing kapagnakalmot ng awok at nakaligtas at mas madali maamoy ka ng ibang aswang.



KUBOT 

Babaeng Kubot

kubot (babae)

KUBOT - Ang mga kubot ay uri ng aswang ang mga babaeng Kubot na may mahaba at makapal na buhok, na ginagamit nila sa pagpatay ng kanilang mga biktima. Samantala ang mga lalaking kubot ay may malalaking pak-pak ngunit hindi nakakalipad. Ginagamit ng mga lalaking kubot ang pakpak upang panglansi at mag silo. Binubula nila ang kanilang malaking pakpak at dinadakma ang kanilang biktima gamit ito.

HUBOT
 - Aswang na may malaking pakpak ng paniki. 

KUBOT - Uri ng aswang ang  mataas tumalon, mga lalaki Kubot ay  bumubukad.kad ang pakpak. Sinisilo nila ang biktima at saka sinisipsip ang dugo pagtapos ay kakainin ang laman loob.


KUBOT - Uri ng aswang, ang mga babaeng kubot ay gumagamit ng buhok upang gapusin ang biktima.

kilalang depiksyon ng kubot sa palabas at pelikula

Ang aktress na si Elizabeth Orupesa ay gumanap bilang kubot sa pelikulang Kubot: Aswang Chronicles



Elizabeth Elizabeth Orupesa bilang Veron isang Aswang.Kubot





MAGINDARA




Magindara



Magindara - Mga aswang ng dagat, magagandang sirena na kumakain ng laman loob ng tao. Nalalason sila sa dugo ng mga bata. lason sakanila ang ka inosentehan ng mga musmos. Umaawit ng para mapansin ng lalaki, kabighabighani ang alindog. Kapag lumapit ang lalaki ay hinihila pababa at saka lulusubin ng pulutong ng magindara upang kainin ang laman.


Depiksyon ng Magindara sa palabas at pelikula

Sa palabas na Aso ni San Roque si Gwen Zamora ay gumanap bilang pinuno ng mga Aswang Dagat(2012) Na may kakayahang magpapalit anyo bilang aswang, at aswang dagat at magindara.

Sa palabas na Bagani (2018) itinampok ang mga magindara.

Magindara (Bagani 2018)







SIGBIN


Sigbin - maliit na uri ng aswang na tila kambing na walang sungay, may mahabang dila at buntot. pinaniniwalaang naglalakad paatras. May kakayanang magtago sa anino. 

Sigbin o Sigben sarong linalang sa mitolohiya kan Pilipinas na sinasabing naglalawas pag bangui ta nganing supsupon an dugo kan mga biktima sa saindang mga anino. Sinasabing naglalakaw pabalik na an payo kaini nakababaw sa pag'oltan kan mga tabay kaini, asin may abilidad na dai mahiling kan ibang linalang, orog na an mga tawo. Kapareho iyan nin sarong kanding na daing sungay, alagad igwa iyan nin dakulaon na mga talinga na puedeng mag upak siring sa padis na kamot asin halabang ikog na puedeng gamiton na panlatigo. An Sigbin sinasabing nagluluwas nin nakakapalula na parong.

Tinutubod na minaluwas an parong na iyan durante kan Banal na Semana, na hinahanap an mga aki na gagadanon kaiyan para sa saindang puso, na piggigibo na mga agimat.

Segun sa osipon, igwa nin mga pamilya na inaapod na Sigbinan ("an mga may sadiring Sigbin") na an mga






Umatraka - uri ng Sigben 

Comments

Popular posts from this blog

Mitolohiya

Diwata