Mga Uri ng Aswang,
Mga kampon ng dilim, sa lumang mitolohiya ng pilipinas maging sa makabagong panahon kilalang kilala ng mga Pilipino ang aswang. Mga kwentong katatakutan at kababalaghan, kilalanin natin ang ilan sa mga ibat-ibang uri ng Aswang. Asuang - Si Asuang ay isang sinaunang diwata o diyos nang lumang panahon bago sakupin m´ng mga kastila ang Pilipinas Siya ang panginoon ng lahat ng mga halimaw at karaniwang aswang sa Ibalong(Sinaunang Bikol) mula sa mga lumilipad na halimaw hangang sa mga aswang ng dagat. Sinasabi na si Panginoong Asuang ay kaakitakit na lalaki,may mahabang buhok, matangkad at matipuno ang pangangatawan. Ngunit ibinubunyag ng liwanag ng bwan ang tunay nitong anyo na nakakapangilabot na halimaw, may sungay, pangil at paa ng malaking kabing,kagaya sa modermong imahe ng demonyo. Asuang poon ng karimlan diwata ng kasamaan Ayon sa alamat si Asuang ay naninirahan sa bulkan ng Malinao sa Bikol. Siya rin ang ama ng maraming kalating halimaw sa Ibalong, pin...